Wednesday, 14 September 2011

KJ MAN, BESTMAN.

Nag bestman si Mr. Kj man sa kasal ng kaibigan nya. Bilang Bestman kailangan nyang mag paunlak ng isang speech para sa bagong kasal.

"Magandang gabi sa lahat, andito tayung lahat sa isang salo salo upang ipagdiwang ang kasal ng ating mga kaibigan.
  Ayon sa statistics, umaabot sa pitong libo na ang kaso ng annulment sa pilipinas at patuloy pa itong tumataas, ngunit dahil sa matatag naman ang inyung samahan hinde naman siguro itu manyayare. kahit na alam natin na marupok ka sa tukso pare haha! (sabay inum ng wine), napaka ganda at touching ng inyong kasal na talagang sa manila cathedral nyu talaga dinaos, kung hinde ako nagkakamali na halos lahat ng artistang kinasal dun ay lahat hiwalay na ngayun. chismis lang naman yun. haha (lagok uli ng wine)
kung nakinig lang kayu sa payo ko na sa huwes na lang sana kayu ikinasal edi hinde pa sana lumaki ang gastos nyu ng ganito haha (ubos na ang baso, kumaha pa uli ng isa sabay lagok)

     para sa inyong matagal na pagsasama at biyayaan kayu ng malulusog na anak...kung hinde ka baog pare haha"

at hinde nya namalayan, wala na syang kasama sa ballroom, kaya binalikan at pinagpatuloy na lamang nya ang pagkain.

"walang lasa ang tabang"